Ang buhay ay sadyang ganyan!
Lumipas na naman ang aking maghapon. Ano ba talaga ang na-accomplish ko today? Submitting online applications doesn't count. Although, i was able to talk to another recruiter kasi yung kausap ko yesterday parang madali siyang nag give up. Sana mas ok ang network nitong isang to. Babalikan raw niya ako tomorrow. I'll be calling another one tomorrow then magpe-presenta rin ako sa bank. Kundi ako magtatawag, baka walang pumansin sa kin.
Di pa rin ako nakalabas ng bahay today dahil hapon na when i decided to take a break. Nakakapagod rin. Para akong may hinahabol na deadline sa office, and knowing na ang dami ko pa dapat tapusin. In a way it's good kasi i can still tap more resources and alam ko marami pa ako opportunities. Kelangan lang talaga is timing and swak ako sa role. I'm really looking forward dun sa Library Shelver role. Bibisitahin ko yun para mag prisinta ako. I applied online na naman. Kelangan lang talaga na mapansin ako. Buti rin at actively networking, rather continuously tapping her peers para ipagkalat ang CV ko. I even applied for a junior na role para lang sa higher chance na magka-project ako.
That's the difference here, kahit na anong dami ng experience mo, kung wala ka naman kakilala, hindi rin papansinin ang CV mo. 80% network and 20% lang ang direct application.
Everyone from my flatmate, to Myn, even to my relatives, they all had the same message, di raw ako mahihirapan makahanap ng work kasi firstly, I have work visa. That's a big moral booster and I do hang on to their words. Siempre medyo naiinip na ko kasi i'm not used to not knowing what tomorrow's gonna be like for me. It's tougher this time around coz I have family already. It's completely different when I was still single. Siempre mas malakas ang loob ko nun and less ang worries.
Everyday pala I have this sturggle. I should be able to withdstand the cold water kasi mahirap timplahin ang tubig sa shower, either too hot or too cold. Mahirap tiempuhan yung maligamgam. In the morning kapag naghihilamos ako, or kapag time na maag toothbrush, ang dami ko nasasayang na water kasi inaantay ko na maging maligamgam yung tubig. Sorry mother earth but di talga kaya ng powers ko ang lamig. Di pa ako sanay. Whenever I wash the dishes, I wear rubber gloves, yung pwedeng pang garden para di mamanhid ang aking hands.
Everyday tanawin
Di naman sana naging obvious ang pagkamangha ko sa dusk kahapon while riding the bus home. Ang ganda talga ng view ng West Auckland from the motorway. Siempre mahaba yung motorway, medyo traffice pero grandioso ang dating ng dagat, mangroves, mountain range at ng mga sumusulpot-sulpot na kabahayan. Pinigilan ko lang ang sarili ko na tumayo sa tabi ng bus driver where the view is just awesome kasi bawal pumwesto dun. Masunurin sa mga rules ang mga bus drivers and most of the commuters. Pagbaba ko naman sa bus stop, dun sa malapit sa 'min, yung sinag ng araw na bumutas sa kaulapan at parang spotlight ang dating na nakaturo sa direksyon ng bahay namin ay isa na namang oh wow moment! Kesehoda na napakalamig ng mahinang hangin, kung saa'y nanginginig na naman ako na lubusan, manhid na naman ang aking mga kamay, nagawa ko pa ring ilabas ang camera at mag shoot! 2 clicks lang kasi naghahanap ako ng magandang frame/ composition. Maulap na kasi dahil padilim na. Sloping ang kalye sa amin so dun dapat ako sa upper slope ng road. Ganda kasi ng view ko pauwi, kita mo na pababa yung kalye, tanaw ko yung roundabout that leads to our house, and sa dako palayo ay ang mountain range ng waitakere siguro iyon. Basta, puro bahay naman ang makikita mo na naka pwesto sa slopes ng kabundukan.
|
First attempt to capture the sun ray along View Rd |
|
Gave up and just tried to compose it along View Rd |
So folks, kahit pa 1 hour ang biyahe from CBD to our house and vice versa, ok lang rin kasi magandang tanawin naman ang araw na araw na sumasalubong sa akin.