Friday, September 11, 2015

Spring is in the Air

Habang naglalakad kaninang umaga papuntang opisina, ramdam na ramdam ko yung crisp na spring air. Iba ang lamig, feeling fresh. True enough kasi napansin ko na mas marami nang bulaklak ang mga nagsulputan. Typical spring ba ito na kung minsan mahangin, may pabugso-bugsong ulan at halos lahat ng kahalamanan ay namumulaklak? Pangatlong spring ko na ito. At ayun, medyo paubo-ubo na naman ako. Pinag-iisipan ko na ulit kung pano ko didiskartehan ang school holiday ni panganay. It's on the week after next na kasi. Malamang dalhin ko siya ulit dito sa opisina for a few days. Gusto ko sana magbakasyon pero iniipon ko kasi yun sa pagbisita nina Ma. Tsaka mahaba rin ang school break. Full time na rin kasi work ni hubby kaya kaliangan talaga i-juggle ang oras. Tuamwag na rin yung taga plunket para sa before school check ni bunso. Medyo nabigla lang ako at napa-oo sa appointment sa Monday. Pagkababa ng telepono, tsaka ko lang naisip na mas maigi pa sana na sa ibang araw na lang at huwag sa Lunes. Hay! Tingnan natin kung pwede pa ma-reschedule.

Mula nang nag fulltime work si hubby last June, para na akong robot sa bahay. Gising ng maaga, luto, ihanda ang mga bata at ihatid sila pa-eskwela at daycare. Habol sa bus, sana hindi ma late pero parati naman ako late. Buti na lang hindi mahigpit sa opisina at payag naman sila na 9:30am ang pinakamaaga ko na appointment. Pag-uwi, pa-meryenda ko ang mga kids, luto ng hapunan. Ligpit/ linis sa kusina. Sipilyo o paligo sa mga bata at patulugin dapat sila ng alas otso. Kung kaya pa ng powers ko, magsalang ako ng labahin habang nagluluto para sampay siya sa gabi, at para matuyo ang labada kinabuksan. Ulit na naman the next day.

Dahil Spring na, nag-iisip ako ng mga proyekto na akma sa panahon. Nag-aabang lang ako ng araw para mapaarawan ko lahat ng beddings. Gusto ko rin na pahanginan ang buong bahay. Gusto ko na rin palitan ang mga kumot, yung mas manipis na dapat kasi hindi na rin naman ganun kalamig ngayon di tuload nung winter. Mukhang nagagamay ko na ang pagpalit ng season dito sa Auckland. Ewan ko lang sa ibang lugar, last week nag winter blast ulit. Pahabol lang daw yun. Sino ba naman ang may gusto sa snow kapag Spring.

No comments:

Post a Comment

Kids Dealing with Boredom

It was a fine weekend but it was so humid last Sunday. I have updated the bedding and our wardrobes with summer items. I was starting to hav...