Thursday, February 19, 2015

Downtime

Tengga na naman but I am not complaining. May mga pagkakataon talaga na magbibilang ka na lang ng oras. At meron naman panahon na nasa bahay ka na or kagigising mo pa lang, sumasagot ka na sa email or tawag ng mga tao. Depende yan sa kung nasaang phase na kami sa project.
Masaya ako kapag ganitong nakakapahinga ako, kasi I use this time to do personal things like doing research on my trade, finding the best deal for items that we've been planning to purchase, and most importantly, reviewing/ figuring out how to make the most of what we have and hopefully, to pay off our remaining debts.

Sabi nga ng kaibigan kong PM/BA na nagtatrabaho sa isang NGO, dito lang sa malapit sa opisina namin, kaya nga lumipat ka dito sa NZ kasi ayaw mo nang mangarag sa trabaho. Actually, hindi ko naman alam na ganito ka-laid back ang trabaho dito. Kailangan talagang makipagay ka at sabayan mo lang ang pacing nila. Otherwise, they'd get stressed and will complain kasi di nila kayang sabayan ang effort mo. I think dahil sa Pinas na ako tumanda, it does take a lot of effort to de-couple old habits. Basta conscious ka lang sa culture sa workplace, I think you're going to be fine.

No comments:

Post a Comment

Kids Dealing with Boredom

It was a fine weekend but it was so humid last Sunday. I have updated the bedding and our wardrobes with summer items. I was starting to hav...